Alamin ang iyong mga karapatan, magpahayag ng gusto (Know your rights, have your say) – Tagalog (Filipino)

Ang IMHA ay isang libre at kumpidensyal na serbisyo ng adbokasya para sa mga tao na tumatanggap ng sapilitang paggamot (compulsory treatment), o nag-aalala tungkol sa pagtanggap ng sapilitang paggamot.

Ang Independent Mental Health Advocacy (IMHA) (Independiyenteng Adbokasya sa Kalusugang Pangkaisipan) ay makatutulong sa iyo na alamin ang iyong mga karapatan at magsabi ng iyong opinyon. Ang IMHA ay isang libre at kumpidensyal na serbisyo ng adbokasya para sa mga tao na:

  • tumatanggap ng sapilitang paggamot (compulsory treatment), o
  • nag-aalala tungkol sa pagtanggap ng sapilitang paggamot.

Ang IMHA ay isang serbisyong inihahatid ng Victoria Legal Aid ngunit ito ay hindi isang ligal na serbisyo. Ang IMHA ay hiwalay sa mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan.

Kokontakin ka namin

Simula sa ika-1 ng Setyembre 2023, ang Mental Health and Wellbeing Act 2022 (Batas para sa Kalusugan Isip at Kagalingan 2022) ay nagsasaad na kami ay aabisuhan sa mga mahahalagang punto kapag ikaw ay tumatanggap ng sapilitang paggamot. Alamin ang higit pa tungkol sa ‘Kailan aabisuhan ang IMHA’ (When will IMHA be notified)?

Kokontakin ka namin maliban kung sasabihan mo kami na huwag gawin ito. Kapag ikaw ay kinontak namin, ipapaliwanag namin kung ano ang aming ginagawa, at makakapagpasya ka kung gusto mo ang aming mga serbisyo. Alamin kung paano sasabihin sa amin na huwag kang kontakin (tell us not to contact you).

Maaari mo kaming kontakin

Kung ikaw ay kasalukuyang hindi tumatanggap ng sapilitang paggamot ngunit nag-aalala tungkol sa pagtanggap nito, maaari ka pa ring makakuha ng mga serbisyo ng IMHA. Kailangan mo kaming kontakin nang direkta dahil hindi kami maaabisuhan. Maaari mo kaming tawagan sa 1300 947 820, o mag-email sa contact@imha.vic.gov.au. Alamin kung paano kami kokontakin (contact us). Maaari ka ring makipag-usap sa amin sa iyong wika (speak with us in your language).

Kabilang sa mga karaniwang dahilan kung bakit maaaring mag-alala ang mga tao sa pagtanggap ng sapilitang paggamot ay ang pakiramdam na tila hindi ka maaaring sumalungat sa pangkat na gumagamot sa iyo, o ang pangkat na gumagamot sa iyo ay nagsabi na kung wala kang gagawin, ikaw ay ilalagay sa sapilitang paggamot.

Paano ka masusuportahan ng IMHA

Masusuportahan ka namin upang:

Maaari kaming mag-organisa ng isang interpreter upang magawa mong makipag-usap sa amin sa iyong wika (speak to us in your own language). Maaari mo ring tawagan ang Translating and Interpreting Service (TIS) (Serbisyo ng Pagsasalinwikang Pasulat at Pasalita) sa 131 450 at hilinging ikonekta ka sa amin.

Kung sasang-ayon ka, maaaring katawanin ng IMHA ang iyong mga opinyon sa iyong serbisyo para sa kalusugan ng isip at kagalingan.

Ang iyong tagataguyod mula sa IMHA ay:

  • kikilos ayon sa tagubilin mo
  • hindi gagawa ng aksyon kung wala kang pagsang-ayon
  • hindi gagabayan ng mga itinuturing ng iba na nasa iyong pinakamabuting kapakanan, kung ikaw ay 16 na taon gulang pataas. Kung ikaw ay 15 taong gulang or mas bata, isusulong ng IMHA ang iyong pananaw at makikipagtulungan sa iyong pamilya, mga tagapag-alaga, at mga tagasuporta upang masiguro na maprotektahan ang iyong pinakamabuting kapakanan.

Sabihin sa amin na huwag kang kontakin

Kailangan mong magbigay ng impormasyong magpapakilala sa iyo upang matiyak namin na:

  • hindi ka namin kokontakin, at
  • tatanggalin ang impormasyong natanggap namin tungkol sa iyong sapilitang paggamot.

Ang impormasyong iyong ibibigay sa amin ay pamamahalaan ng aming kawani sa administrasyon. Alamin ang higit pa kung paano namin pinamamahalaan ang personal na impormasyon (how we handle personal information) at pinoprotektahan ang iyong pagkapribado.

Upang sabihin sa amin na huwag kang kontakin:

Maaari mong hilingan ang isang kawani o tagasuporta para tulungan kang magsumite ng form.
Kung sakaling magbago ka ng isip sa kalaunan at nais mong ikaw ay kontakin ng IMHA habang tumatanggap ka ng sapilitang paggamot, maaari kang:

Kailan aabisuhan ang IMHA?

Ang IMHA ay aabisuhan kung:

  • ikaw ay inilagay sa isang kautusan sag pansamantalang paggamot, o sa isang kautusan sa paggamot, kabilang kung ikaw ay isang pasyenteng forensic o may seguridad
  • ang iyong karapatang makipagkomunikasyon ay hinigpitan
  • ang kautusan sa iyong pansamantalang paggamot, o kautusan sa paggamot, ay nabago mula sa pangkomunidad na naging inpatient o inpatient na naging pangkomunidad
  • ang kautusan sa iyong pansamantalang paggamot, o kautusan sa paggamot, ay napawalang-bisa o nakansela
  • ikaw ay may naka-iskedyul na pagdinig sa Mental Health Tribunal (Tribunal para sa Kalusugan ng isip)
  • gumamit ng may paghihigpit na interbensyon, gaya kung ikaw ay ihiniwalay, o pinigilan nang pisikal o ginamitan ng kemikal
  • binago ang iyong kautusan upang ilipat ka para gamutin sa ibang nakatalagang serbisyo sa kalusugan ng isip.

Kung ikaw ay isang pasyenteng may seguridad, aabisuhan din ang IMHA kung:

  • ikaw ay tinanggap, o dinala sa isang nakatalagang serbisyo sa kalusugan ng isip
  • ikaw ay na-discharge pabalik sa bilangguan.

Kung ikaw ay pasyenteng forensic, aabisuhan din ang IMHA kung:

  • ikaw ay inilipat sa isang nakatalagang serbisyo sa kalusugan ng isip, maliban kung ang Forensic Leave Panel ay nag-apruba sa transportasyon o kaya ay inatasan ng isang awtorisadong lupon
  • ang iyong psychiatrist o Punong psychiatrist ay nag-utos na ikaw ay ilipat sa ibang nakatalagang serbisyo sa kalusugan ng isip
  • ang Forensicare ay nag-aplay sa Mental Health Tribunal ng kautusan para sa masinsinang pagsubaybay, kung sakaling ginawa ang kautusang ito.

I-download ang IMHA information sheet (opt-out form)

Ang IMHA information sheet (opt-out form)

I-download ang IMHA postcard

Ang IMHA postcard <Filipino>

Paano makokontak ang IMHA at malalaman ang higit pa

More information

Know your rights, have your say – webpage translation – English
Word 238.3 KB
(opens in a new window)

Updated